Paano ako makakatanggap ng sagot habang nananatili pa ring anonymous?
Nakadisenyo ang ginagamit nating BKMS® System sa paraang nagbibigay-proteksyon sa pagkakakilanlan ng whistleblower. Napatunayan na ang kakayahan ng system na magbigay-proteksyon sa pagiging anonymous.
Mangyaring ikaw mismo ang pumili ng iyong palayaw/ username at password para sa secure mong postbox. Gumagamit ang system ng encryption at iba pang espesyal na diskarte sa seguridad para tiyaking mananatiling anonymous ang iyong report sa lahat ng oras. Hindi kailanman hihingin ang personal mong impormasyon sa proseso ng pag-report. Kung gusto mong manatiling anonymous, mangyaring huwag magbigay ng anumang impormasyong magagamit para personal kang makilala. Gayundin, mangyaring huwag ibigay ang report mo gamit ang isang PC na galing sa iyong employer.
Makikipag-ugnayan sa iyo ang case manager na nakatalaga sa report mo sa pamamagitan ng anonymous mong postbox para ipaalam sa iyo ang tungkol sa status ng iyong report o para magtanong pa ng ibang bagay kung may mga detalyeng kailangang linawin. Poprotektahan ang iyong pagiging anonymous sa kabuuan ng prosesong ito. Ang interes namin sa mga report na ito ay para pigilang may masira o mawala sa kumpanya, at hindi para kumuha ng impormasyon tungkol sa taong nag-report.