Paano gumagana ang paraan ng pag-report at paano ako magse-set up ng postbox?
Kung gusto mong magbigay ng report gamit ang iyong pangalan o sa paraang anonymous, i-click ang button na “Ibigay ang mensahe” sa kaliwang bahagi sa itaas ng ating page ng impormasyon.
May apat na hakbang ang proseso ng pag-report:
- Una, may ipapabasa muna sa iyong impormasyon tungkol sa kung paano mapoprotektahan ang pagiging anonymous mo, at may ipapasagot sa iyo na tanong para sa seguridad.
- Sa susunod na page, hihilingin sa iyo na tukuyin ang naaangkop na pangunahing paksa ng report.
- Sa page ng pag-report, pakilagay ang impormasyong galing mismo sa iyo at piliin ang mga angkop na sagot sa mga bagay na itatanong sa iyo tungkol sa kaso. Maaari kang gumamit ng hanggang 5,000 na character sa free-text field (katumbas ito ng isang buong DIN A4 na page). Maaari ka ring mag-attach ng mga file na hanggang 5 MB na susuporta sa iyong report. Pakitandaang maaaring maglaman ang mga electronic na dokumento ng impormasyon tungkol sa may-akda. Pagkatapos ibigay ang iyong report, makakatanggap ka ng reference number bilang patunay na nagbigay ka ng report.
- Pagkatapos nito, mangyaring mag-set up ng personal at secure na postbox. Gagamitin namin ito sa pagtugon sa iyo at sa pagsagot sa anumang mga tanong na mayroon ka, at para ipaalam sa iyo ang tungkol sa progreso ng notification mo.
Kung nakapag-set up ka na ng secure na postbox, maaari mo itong direktang i-access sa pamamagitan ng pag-click sa button na "Login" ("Mag-log in"). Mula rito, kailangan mo ring sumagot ng isang tanong para sa seguridad.
Poprotektahan ng BKMS® System ang iyong pagiging anonymous hangga't hindi ka naglalagay ng anumang data na nagbibigay-daan sa iyo na makilala.
Hindi namin pinapayagan ang mga anonymous na report na may pangunahing paksa na diskriminasyon/ panggigipit.
Gusto naming siguruhin sa iyo na interesado lang kami sa nire-report mong kaso. Ang layunin nito ay para matukoy ang mga bagay na wala sa lugar at maiwasan ang pagkawala ng pera at pagkasira ng reputasyon ng kumpanya.