Paano poprotektahan ang aking datos kapag ginagamit ko ang online reporting system?
Mga probisyon sa proteksyon ng datos – online reporting system
Mahalaga sa amin ang proteksyon ng datos
Siniseryoso namin ang pagprotekta sa iyong personal na datos. Ipapaalam sa iyo ng sumusunod na abiso sa privacy ng datos kung aling datos ang pinoproseso namin kapag binibisita mo ang website na ito o nag-uulat ng paglabag.
1. Controller na saklaw ng kahulungan ng Art. 4 no. 7 GDPR
Ang controller ng datos na nagpoproseso ng datos na saklaw ng kahulugan ng Art. 4 no. 7 GDPR ay ang tatanggap ng datos na ipinahiwatig sa iyo kapag nag-ulat ka ng paglabag.
2. Pag-uulat ng mga paglabag gamit ang online reporting system /Pakikipag-ugnayan sa Compliance
Layunin ng pagpoproseso ng datos at legal na batayan
Naka-set up ang online reporting system na ito para sa pag-uulat na may kinalaman sa pagsunod. Maaari mo itong gamitin sa pag-uulat ng mga posibleng paglabag na maaaring mayroong masamang epekto para sa kumpanya, kabilang ang mga kriminal na parusa o administratibong multa.
Maaari mo ring gamitin ang online reporting system kung mayroon kang partikular na mga tanong may kinalaman sa pagsunod na gusto mong sagutin ng kawani ng Compliance.
Ang legal na batayan ng pagpoproseso ng datos na ito ay ang Art. 6 (1) talata 1 f) GDPR.
Uri ng pinoprosesong datos
Kusang-loob ang paggamit sa online reporting system. Nakadepende sa impormasyong ibinigay mo sa amin ang datos na pinoproseso namin. Karaniwang pinoproseso namin ang mga sumusunod na datos:
- Iyong pangalan at mga detalye sa pagkontak, kung ibinigay mo sa amin ang impormasyong ito.
- Kung nagtatrabaho ka sa amin o hindi, kung gusto mo itong sabihin sa amin.
- Ang mga pangalan ng mga indibidwal at iba pang personal na datos na nauugnay sa isang indibidwal, depende kung ano ang iniulat mo sa amin.
Mga Tatanggap/ Kategorya ng tatanggap
Ipinoproseso ng controller ang datos na ipinadala mo sa amin at nasa departamento ng Compliance lamang ito. Bilang prinsipyo, hindi namin ibinabahagi ang alinmang datos sa mga third party. Maaaring kailangan naming ibahagi sa ibang departamento sa loob ng controller ang datos na iyong ipinadala sa amin o sa ibang kumpanya ng Schwarz Group kung kailangan para maimbestigahan ang problema.
Ipinoproseso din ng mga tagaproseso ang datos para sa amin, gaya ng operator ng online reporting system na ito, ang EQS Group GmbH, Bayreuther Strasse 35, 10789 Berlin, Germany. Maingat na pinipili ang tagaprosesong ito at iba pang tagaproseso, at sinusuri din at sumusunod sa kontrata alinsunod sa Art. 28 GDPR.
Ayon sa batas, kailangan naming ipaalam sa akusadong indibidwal na nakatanggap kami ng ulat tungkol sa kanya hangga't ang paggawa nito ay hindi na makakaapekto sa imbestigasyon ng isang ulat. Gayunpaman, hindi ibubunyag sa taong pinaparatangan ng paglabag sa pagsunod ang iyong pagkakakilanlan bilang whistle-blower, hangga't pinapahintulutan ng batas.
Panahon ng pagtago/ Criteria sa pagtukoy ng panahon ng pagtago
Itinatago ang datos hangga't kailangan upang matupad ang nabanggit na mga layunin, na tapusin ang imbestigasyon sa ulat at isagawa ang pag-uulat nang hindi nakikilala ayon sa uri at pinagmulan ng ulat at ang ginamit na channel sa pag-uulat, at kung ano ang kinakailangan sa ilalim ng naaangkop na batas. Kasama sa criteria sa pagtukoy sa panahong ito ang kung gaano kakumplikado ang iniulat, ang haba ng panahong kailangan sa pag-iimbestiga at ang paksa ng paratang. Buburahin ang datos kapag natupad na ang layunin sa pagkuha nito.
3. Paggamit sa online reporting system
Nagaganap ang ugnayan sa pagitan ng iyong device at ng online reporting system sa pamamagitan ng encrypted connection (SSL). Hindi isini-save ang iyong IP address. Isini-save sa iyong computer ang isang cookie na naglalaman ng session ID (session cookie) para lamang sa layunin ng pagpapanatili ng ugnayan sa online reporting system. May bisa ang cookie na ito sa loob ng iyong sesyon at binubura ito pagkatapos.
4. Iyong mga karapatan bilang paksa ng datos
Alinsunod sa Art. 15 (1) GDPR, may karapatan kang libreng tumanggap ng impormasyon tungkol sa iyong personal na datos na naka-save sa system ng controller kapag hiniling mo ito.
Kung natugunan ang mga hinihingi ng batas, may karapatan ka ring itama, burahin at limitahan ang pagpoproseso ng iyong personal na datos.
Kung ipinroseso ang datos alinsunod sa Art. 6 (1) e) o f) GDPR, may karapatan kang tumutol. Kung tututol ka sa pagpoproseso ng datos, hindi ito ipoproseso sa hinaharap maliban kung mapatunayan ng controller ang mga legal at makatwirang dahilan para sa higit pang pagpoproseso na dumadaig sa interes ng paksa ng datos.
Kung ikaw mismo ang nagbigay ng datos, may karapatan ka sa data portability.
Kung ipinroseso ang datos batay sa iyong pahintulot alinsunod sa Art. 6 (1) a) o Art. 9 (2) a) GDPR, maaari mong bawiin ang iyong pahintulot anumang oras na epektibo hanggang sa hinaharap nang hindi naapektohan ang pagiging legal ng mga naunang pagpoproseso.
Sa mga nabanggit na kaso, kung mayroon kang karagdagang tanong o gusto mong maghain ng reklamo, sumulat o mag-email sa aming Opisyal ng Proteksyon ng Datos; tingnan ang seksyon 5.
May karapatan ka ring maghain ng reklamo sa karampatang awtoridad sa pangangasiwa ng proteksyon ng datos.
5. Makipag-unayan sa opisyal ng proteksyon ng datos
Kung mayroon kang karagdagang tanong tungkol sa pagpoproseso ng iyong datos o sa paggamit ng iyong mga karapatan, maaari kang makipag-ugnayan sa responsableng opisyal ng proteksyon ng datos ng controller:
- Lidl Belgium GmbH & Co. KG
Opisyal ng Privacy
Guldensporenpark 90 Blok J
9820 Merelbeke
België/Belgique
privacy@lidl.be
- „ЛИДЛ БЪЛГАРИЯ ЕООД ЕНД КО“ КД
Ул. „3-ти март“ № 1,
2129 с. Равно поле,
България
personaldata.protection@lidl.bg
- Lidl Česká republika v.o.s. / Lidl Holding s.r.o. / Lidl stravenky v.o.s. / Lidl E-Commerce Logistics s.r.o.
Pověřenec pro ochranu osobních údajů
Nárožní 1359/11
158 00 Praha 5
Česká republika
ochranaosobnichudaju@lidl.cz
- Lidl & Companhia
Responsável de Proteção de Dados
Rua Pé de Mouro 18, Linhó
2714-510 SINTRA
Portugal
ProtecaoDados@lidl.pt
- LIDL Cyprus
Υπεύθυνος προστασίας Δεδομένων
Industriyal na Lugar
Emporiou Street 19
CY- 7100 Aradippou – Larnaca
Κύπρος
dataprotection@lidl.com.cy
- Lidl Discount S.R.L.
Responsabilul cu Protecția Datelor
Str. Cpt. Av. Alexandru Șerbănescu nr. 58A
Sector 1, București, 014295
protectiadatelor@lidl.ro
- Lidl Danmark K/S
Databeskyttelsesofficeren (DPO)
Profilvej 9
Danmark - 6000 Kolding
Databeskyttelse@Lidl.dk
- Lidl Dienstleistung GmbH & Co. KG
Datenschutz
Bonfelder Str. 2
74206 Bad Wimpfen
Deutschland
datenschutz@lidl.de
- Lidl Eesti OÜ
A. H. Tammsaare tee 47
Kristiine linnaosa, Tallinn
Harjumaa, 11316
Eesti Vabariik
andmekaitse@lidl.ee
- Lidl Hellas & Σια Ο.Ε.
Υπεύθυνος προστασίας Δεδομένων
Ο.Τ. 31, ΔΑ 13 Τ.Θ. 1032,
Τ.Κ. 57 022 Σίνδος-Θεσσαλονίκη
Ελλάδα
dataprotection@lidl.gr
- Lidl Hrvatska d.o.o.k.d
Službenik za zaštitu podataka
Ulica kneza Ljudevita Posavskog 53
10 410 Velika Gorica
Hrvatska
zastita_podataka@lidl.hr
- Lidl Ireland GmbH
Lidl Head Office
Main Road
Tallaght
Dublin 24
Ireland
data.controller@lidl.ie
- Lidl Italia S.r.l.
Responsabile della protezione dei dati
Via Augusto Ruffo 36
37040 - Arcole (VR)
Italia
privacyit@lidl.it
- SIA Lidl Latvia
Datu aizsardzības speciālists
Dzelzavas iela 131
Rīga, LV-1021
datuaizsardziba@lidl.lv
- UAB „Lidl Lietuva“
Viršuliškių skg. 34
LT – 05132, Vilnius
Lietuva
duomenuapsauga@lidl.lt
- Lidl SNC
Service protection des données
Direction Juridique et Compliance
72, avenue Robert Schuman
FR - 94533 RUNGIS CEDEX 1
protection.donnees@lidl.fr
- Lidl Stiftung & Co. KG
Datenschutz
Stiftsbergstraße 1
74167 Neckarsulm
Deutschland
datenschutzbeauftragter@lidl.com
- Lidl Supermercados, S.A.U.
Delegado de Protección de Datos
c/ Beat Oriol, s/n (Pol. Ind. La Granja)
08110 Montcada i Reixac
España
protecciondedatos@lidl.es
- Lidl Suomi Ky
Tietosuojavastaava
Compliance
PL 500
FI-02201 Espoo
Suomi
tietoturva@lidl.fi
- Lidl Magyarország Bt.
Adatvédelmi tisztviselő
Rádl árok 6.
1037 Budapest
Magyarország
adatvedelem@lidl.hu
- Lidl Malta Ltd.
Opisyal ng Proteksyon ng Datos
Lidl Italia S.r.l.
Via Augusto Ruffo 36
37040 - Arcole (VR)
Italy
privacymt@lidl.com.mt
- Lidl Nederland GmbH
Havenstraat 71
1271 AD Huizen
Nederland
privacy@lidl.nl
- Lidl Northern Ireland GmbH
Dundrod Road
Nutts Corner
BT29 4SR
Crumlin
Co. Antrim
Northern Ireland
data.controller@lidl.ie
- Lidl Polska Sp. z o.o.
Inspektor ochrony danych
ul. Poznańska 48, Jankowice
62-080 Tarnowo Podgórne
Polska
ochronadanychosobowych@lidl.pl
- LIDL Slovenija d.o.o. k.d.
Pooblaščena oseba za varstvo podatkov
Pod lipami 1
1218 Komenda
Slovenija
skrbnik_OP@lidl.si
- Lidl Slovenská republika, s.r.o.
Zodpovedná osoba za ochranu osobných údajov
Ružinovská 1E
821 02 Bratislava
Slovenská
ochranaosobnychudajov@lidl.sk
- Lidl Sverige kommanditbolag
Dataskyddsombud
Box 6087
175 06 Järfälla
Sverige
dataskydd@lidl.se
- Lidl Great Britain Limited
Lidl House
Opisyal ng Proteksyon ng Datos
14 Kingston Road
Surbiton
KT5 9NU
United Kingdom
data.protection@lidl.co.uk